what colours have you seen today?

Entries for January, 2009

January 8, 2009
5.49
Posted at 09:33 PM in Life as I Know It

2009 will be the year.

Its not just going to be about changes. Its going to be about transformations.

This.is.it.



Reading: Blog Roll
Hearing: Mariah Carey - Shake It Off
Feelin' Motivated


January 11, 2009
Life's an emotional rollercoaster.
Posted at 01:18 AM in Life as I Know It

Do you ever get that feeling that you created this sand castle, a semblance of something great and majestic, and then you take one step back and realize that despite everything shitty thats going on in this world, there's at least that sand castle to remind you of how good things can be?

I had that feeling yesterday.

Do you ever get that feeling that some random, normal event/occasion can make all of the good things that you think is going for you, come crashing down - leaving you with the very same sand castle, in its faded glory.

I had that feeling today, just a few minutes ago.

Everything just came crashing down, and to be honest, I just feel that its turning into this vicious cycle. Sometimes I just hate it that life's such a friggin' emotional rollercoaster.

I just feel so down. =(



Hearing: Jordin Sparks - Worth the Wait
Feelin' down.


January 15, 2009
Batang 90's!
Posted at 05:39 PM in Life as I Know It

At dahil bored ako, here's something I picked out from the net. Di ko na sure kung saan ko siya nakuha, pero kakaaliw basahin! haha

  1. Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at POG. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol. [Ang galing ko kaya maglaro ng tex! haha Pati na din ng POG, sayang di na sikat. haha Nasa bahay pa yata yung collection ko. haha]
  2. May comics pa ang Bazooka Bubble Gum. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun. [Bakit, wala na bang comics ang bazooka ngauon?]
  3. Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.
  4. Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store. 
  5. Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka. [Hindi lang pellet gun, pati water gun din. haha]
  6. Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris.
  7. Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo. [piso yung isang pack eh, so dun kami sa malayo sa bahay nagpapaputok ng watusi]
  8. Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay. [Meron din ako nito, pero mga 10 years old ata ako nun.]
  9. Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay. [haha, meron akong shorts na 23 Chicago Bulls]
  10. Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.
  11. Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo. [haha, the powers of betadine.]
  12. Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. (si Jolina ang nagpauso nito.) haha.
  13. Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket.
  14. Naglalagay ka ng Kisses (yung maliliit na mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak.  [Ginawa ko din 'to, pero baog yata yung kisses ko eh, kasi never naman sila nanganak. haha]
  15. May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles. [Ay oo! Sikat pa ang maggi nun eh.] 
  16. Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade. [Past time. haha]
  17. Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang. [Uso nga yun. Ang daming nagbebenta ng stationary, pero wala namang gumagamit.]
  18. Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit. [The best kaya yung Game Boy ko! transparent yung case. haha]
  19. Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, patintero, sipa, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom. [The best 'tong mga games na 'to! kung di ka naglaro, kamusta naman ang childhood mo di ba!?]
  20. Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura". [Ay oo, cross my heart, hope to die! haha]
  21. Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze. [Ay oo, pencil case ang batayan ng popularity sa grade school. haha]
  22. Nagkaroon ka ng kahit isang PowerPenz (yung ballpen na pwedeng maging mini-basketball court, soccer goal, o kung anong pwedeng isiksik na laro sa ballpen). Mahal ang orig na PowerPenz kaya dun ka sa peyk, nalalaro mo nga pero di ka naman makasulat. [Di ko 'to maalala. haha]
  23. Naaliw ka sa Magic Pencil na di na kailangan tasahan. May libre pang laruan sa takip nun. [Ang saya kaya maglaro ng Magic Pencil!]
  24. Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista. [Sang school ka ba nanggaling!? Baduy yun. period.]
  25. Sa Coleman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school. [Oo naman, cool ang coleman eh. haha Tapos red yung akin.]
  26. Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo. [OMG, yung Baby G yung watch di ba!? Gusto ko sana pero di ako binilhan. Aldrich =bitter.]
  27. Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone. [Naalala ko 'to. haha tapos tatawag ka pa sa call center nila, para magsabi ng message.]
  28. Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.
  29. Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Contra. [OMG, favorite namin laruin yung Bomber Man sa SNES!]
  30. Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.
  31. Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko". [Francis M. ito di ba!?]
  32. Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries.
  33. Sumasayaw ka ng Macarena. Kung hindi man, alam mo pa rin yung dance steps sa kanta.
  34. Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila. [Favorite ko si Ginger Spice! haha]
  35. Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands. [Westlife pa din!]
  36. Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.
  37. Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin. Malas mo pag kinain ng cassette player yung tape sa kaka-rewind. [Can I just say, nakakalito ang Side A at Side B]
  38. Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc. [Meron pa kayang actions yung "Jubilee Song"! haha, na ginagawa ng lahat ng tao sa St. Peter!]
  39. Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.
  40. Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad. [Bayani! haha]
  41. Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku. [Ang favorite ko,si Vincent! haha ]
  42. Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina di totoo...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!" [Oo naman. Kahit korny yun..]
  43. Napanood mo din yung ibang Hapon na palabas tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulado mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo lang ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.." [Meron ding Magic Night Rayearth di ba!? Sunday ata yun ng umaga?]
  44. Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats. [Yes, Yes at yes! haha kakaiyak kaya yung Cedie. haha]
  45. Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban.
  46. Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon. [haha! pwede rin.]
  47. Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.
  48. Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo... labingapat-labinglima... [Aldrich = tone deaf, so familiar yung lyrics, pero di ko maalala yung tono.]
  49. Napanood mo ang Batang X. [Familiar ito. haha]
  50. Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar. [Hindi lang ng yaya ko, buong bahay namin nanonood ng Marimar, kahit may exams pa ako. haha]
  51. Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles" [Grabe, parang kelan lang, showing pa ito ah!?]
  52. Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara. [Sh*t yang Clara na yan, bakit ba ganon na lang ang galit niya kay Mara!?]
  53. Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Valiente", "Esperanza", "Anakarenina" atbp. [Oh yes, lalo na yung Valiente kasi malapit sa bahay namin yung pinagshushootingan nila. haha Pati na din yung Anakarenina at Esperanza. Sana wag akong majudge sa mga pinagsasabi ko haha]
  54. Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin. [Ultimate Jologs love team talaga - Juday and Wowie! haha]
  55. Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat." [OMG! naalala ko ito! haha tapos nakaupo pa yata yung girl na nagsasabi nito, katabi yung bed niya. haha]
  56. Kinakanta mo yung "I love you Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy".
  57. Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.  [Ows!? haha Di ko maalala 'to!]
  58. Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology. [ang naalala kong kulto ay yung tungkol sa kulto ni Jose Rizal, sabi nila, buhay pa daw siya.]
  59. Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo. [eto yung mga action/kung fu shows di ba!? haha meron pa ba nito ngayon?]
  60. Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies. [isang movie lang ata napanood ko, parang lamang-dagat ata yun, after nun, di muna kami friends ng swimming pool sa school. haha]
  61. Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose." [Nung una ko 'tong narinig (breaking news ito sa Channel 2), di ko nga kilala kung sino si Princess Diana. haha ganon ako kalost nung bata.]
  62. Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay. [Oh yes, nandun pa nga sa bahay yung mga VHS, nasa ilalim ng VHS player. haha]
  63. Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha. [Grabe, phenomenon kaya ang Titanic, sobrang big thing!]

 

Mabuhay ang mga batang lumaki noong 90's! Tayo yun. =)



Hearing: Kat de Luna - Whine Up
Feelin' bored.


January 31, 2009
The Wanderlust Chronicles: An Introduction
Posted at 01:26 PM in Life as I Know It

God, its been ages since the last time I posted something meaningful here. haha And to be honest, everything has just been a blur the past few weeks - with so many things happening all at the same time. But I'm not really in the mood to talk about that - maybe later when I finally have time to actually write everything down, but then again, maybe not. haha!

wan·der·lust \wän-der-lust\ n. A very strong or irresistible impulse to travel.

As the title suggests, there's one thing that's been on the top of my mind for a while now - this desire to travel. I mean, I've always wanted to travel - even as a child I was always drawn to the prospect of riding airplanes, visiting new places and meeting new people. And of course, there's my shallowness in the joy of having new stamps in my passport.

I was having lunch with a few of my coworkers the other day, and they started talking about how Brussels isn't really as glamorous as it looks in pictures, how there's this one town in Amsterdam where smoking pot is legal, how having a couch to sleep on in London saves you tons of money and all that. At siyempre, di ako makarelate. haha Dahil for one, even though I've riden airplanes countless times, the farthest I've ever gone to was Malaysia (west and east coast) and Singapore. I mean, I've been to other ASEAN countries, but technically, I've never left this timezone, and nung moment na narealize ko yun, nafrustrate ako. Dun ko nafeel na kailangan kong bumawi - I've lived in this Earth for over 21 years, and I haven't really seen what this world has to offer. And the position that I'm in right now, allows me to make changes, drastic changes.

And yes, now is the time that I shall begin my journey of seeing the world - one long weekend at a time - the beginning of the Wanderlust Chronicles!. I already booked several flights to different sites a few days ago, and I have to admit that it made a dent in my savings account  and it was all so impulsive, but deep down, I just feel that at the end of the day, this is the right thing to do. After all, an empty bank account is better that a life with empty experiences and a world unexplored. Oh yeah, work hard, travel harder(?) ! haha

Watch out for my Wanderlust entries! Or better yet, come along with me!

'Til the next loop! (^_^)



Reading: Travel Journals
Hearing: Janet Jackson - All For You
Feelin' excited as hell!